HULI SA AKTO | Isang babae, kalaboso matapos mahuling nagre-repack ng iligal na droga sa Pasay City

Pasay City – Hindi na nakapalag pa ang isang babae matapos maaresto makaraang maaktuhang nagre-repack ng shabu sa Barangay 157, Pasay City.

Sa ulat, sinabing sanay at trabaho talaga ng suspek na si Mary Rose Avila, 29-anyos ang pagre-repack ng shabu.

Nabatid na nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Pasay PNP sa nagaganap na transaksyon ng iligal na droga sa Apelo Cruz Street.


Nang respondehan ito ng mga otoridad, namataan si Rose na nagtatarya ng shabu.

Narekober sa suspek ang tatlong sachet ng shabu, limang sachet na may shabu residue at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments