HULI SA AKTO | Lalaki patay nang manlaban sa mga pulis sa Camarines Sur

Camarines Sur – Patay ang isang lalaki nang manlaban sa mga pulis na aaresto sa pangunahing target ng operasyon sa Camarines Sur.

Sa ulat, isinilbi ang arrest warrant sa pangunahing suspek na si Jeffrey Dela Rama sa kaniyang bahay sa bayan ng Baao.

Sakto naman naaktuhang bumabatak ng droga si Jeffrey at apat na iba pa kung saan nang arestuhin ang suspek ay pumalag ang isa sa mga kasama nito at agad na nagpaputok ng baril.


Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang hindi pa nakikilalang suspek habang nakatakas naman si Jeffrey at tatlo pa nitong kasama.

Patuloy naman pinaghahanap ng mga pulis ang apat na suspek at inaalam na din ang pagkakakilanlan ng lalaking nasawi.

Facebook Comments