HULI SA AKTO | Pitong tao, arestado sa anti-gambling operation

San Fernando City, La union – Arestado ang pitong tao sa magkahiwalay na anti-gambling operation sa dalawang barangay sa San Fernando City, La Union.

Unang nilusob ng mga pulis ang Barangay Cabaroan kung saan nadakip sina Samson Duclayan, Dominador Mendoza at Orson Duclayan dahil sa iligal na pagma-mahjong.

Sunod na inaresto sa Barangay Parian sina Vicente Casuga, Elmer Torres, Ramon Ordinario at Rommel Daliva na naaktuhang naglalaro ng poker.


Nabatid isinagawa ng mga pulis ang operasyon sa tulong na din ng mga barangay opisyal para tuluyan nang masugpo ang iligal na sugal sa kanilang lugar.

Facebook Comments