HULI SA AKTO | Sampung libong halaga ng shabu, nasabat sa Davao City

Davao City – Huli ang 34-anyos na jeepney driver sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa Davao City.

Nakuha sa ‘di pinangalanang suspek ang apat na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng sampung libong piso.

Sa report, isa umanong “street level target” ang suspek at nag-o-operate sa bahagi ng bajada.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments