HULI SA AKTO | Tatlong tao, arestado matapos mahuli sa aktong nagpa-pot session

Parañaque City – Kalaboso ang tatlong tao matapos maaktuhang nagsasagawa ng
pot session sa Tramo Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Nakilala ang mga suspek na sina Judy Herbon, Carlos Iligan at Robert
Trinidad.

Sa ulat, nagsagawa ng oplan galudad ang mga tauhan ng Parañaque PNP sa Baui
Street dahil sa napaulat na talamak ang paggamit ng shabu sa lugar.


Naaktuhang ang tatlong suspek na gumagamit ng ilegal na droga kung saan
nakuhanan pa ng improvised ice pick at drug paraphernalia.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments