HULI SA AKTO | Walong kabataang naaktuhang nag-popot session, timbog sa Quezon City

Manila, Philippines – Huli ang walong kabataan matapos maaktuhang nagpo-pot session sa Matipuno Street Barangay Piñahan Quezon City.

Ayon kay Police Superintendent Ariel Cabucao hepe ng Quezon city Police District (QCPD) station 10, tinatayang nasa edad 16 at 17 ang mga kabataang nahuli nilang nakakumpol sa kalsada na aktong gagamit sana ng marijuana.

Todo tanggi naman ang mga suspek, at sinabing nag laro lamang sila ng basketball.


Nakumpiska mula sa mga ito ang tatlong pakete ng pinaniniwalaang marijuana.

Dinala sa QCPD station 10 ang mga suspek, para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Facebook Comments