HULI SA AKTO | Walong tao, arestado sa iligal na pagsusugal sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa ang walong tao makaraang pagdadamputin ang mga ito habang nagsusugal sa Tondo, Maynila.

Agad na dinala sa presinto ang mga suspek kung saan dalawa sa mga ito ay nahulihan pa ng iligal na droga na nakilalang sina Alla Enrico at isang alyas Villanueva.

Nabatid na nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang mga pulis hinggil sa pagka-cara y cruz ng mga suspek sa gilid ng kalsada sa Batangas Street.


Kasalukuyan nang nakakulong ang mga suspek habang inaalam na sa dalawa kung kanino nila nakuha ang iligal na droga.

Facebook Comments