HULI SA CCTV: Babae, biglang sinaksak ang nakasalubong na 3-anyos sa daan

4002
via Facebook

Arestado ang isang babae matapos ang biglaang pananaksak ng tatlong taong gulang na lalaki na nakasalubong niya lamang sa kalye sa Georgia.

Makikita sa CCTV footage sa Pekini Street, Tbilisi ang 51-anyos na naglalakad pasalubong sa direksyon ng mag-asawang akay ang dalawang maliliit na anak.


Nang makalapit, nilaslas ng suspek ang mukha ng batang lalaki na hawak ng nanay.

Mabilis namang iniiwas at pinrotektahan ng tatay ang anak nilang babae na susugurin din dapat ng suspek.

Sinubukang pigilan ng tatay ang pag-alis ng suspek, ngunit umatras ito nang itutok sa kaniya ang kutsilyo.

Dumating naman ang ambulansya na nagdala sa batang lalaki sa ospital kung saan ginagamot ang natamo nitong hiwa sa ilong at pisngi.

Nagawang tumakas ng suspek, subalit nahuli rin ng pulisya kinaumagahan.




Ayon sa magulang ng mga bata, hindi nila kilala at noon lamang nila nakita ang suspek.

Hindi rin daw inamin ng suspek sa pulisya ang tunay na motibo nito sa pananaksak.

Nahaharap sa 10 taon pagkakakulong ang suspek.

Facebook Comments