Huli sa CCTV: Lalaki ‘nag-sign of the cross’ muna bago magnakaw

3108
Screenshot via Jan Alvaro Lastimosa

Sapul sa CCTV ang tangkang panloloob ng isang lalaking nagawa pang mag-sign of the cross bago gawin ang pagnanakaw sa isang bahay sa Quezon.
Sa CCTV footage na inilabas ni Jan Alvaro Lastimosa, makikita ang pagdating ng isang lalaking naka-motorsiklo at sabay parada sa labas ng bahay.

Matapos magparada, naglakad ang lalaki papalapit sa tirahan upang masimulan ang maitim nitong plano.

Bigla nalang umakyat at tumalon ang lalaking nakasumbrero sa pader na bakod ng bahay. Ngunit bago simulan ang planong pagnanakaw, nag-sign of the cross muna ito.


Ayon sa may-ari, walang nakuhang gamit ang magnanakaw. Sa ngayon, inaalam pa din ng otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

Panoorin ang kabuuang video ng ‘relihisyong’ magnanakaw:

Facebook Comments

From Advertisers