Sa pamamagitan ng isang cctv nahuli ang isang kagawad na di umanoy si Kagawad Leonardo “Boy” Sanchez ng Barangay Pogo Chico na nagtatapon ng basura noong Martes November 7, 2017 sa mismong covered court kahit mayroon na umano itong signage ng bawal magtapon ng basura.
Naipost ang larawan na kuha sa cctv sa social media at pinutakte ng sari saring komento at makalipas ang ilang oras nabura na ang post. Ayon sa facebook account ng Barangay Captain na si Bryan Kua hindi ito pagpapahiya sa isang tao ngunit ito ay paghahanap ng katotohanan. Magsisilbi rin daw itong leksyon ng sagayon hindi tularan ng mga bata.
Ayon sa anak ni Lopez na si Maan Sanchez hindi kagustuhan ng kaniyang ama na magtapon ng basura sa nasabing covered court. Labis na nasasaktan ang pamilya Sanchez sapagkat ang tingin sa kanilang haligi ng tahanan ay isang kriminal na animoy nagnakaw. Hiling nila na sana hindi na umabot sa pagpopost sa social media. “3 term kagawad ang kaniyang Tatay patunay lamang ito na maayos at nagsisilbi ng buong buo sa bayan,” dagdag ni Maan. Hangad ng pamilya ni Maan Ann na maayos ang gusot sa dalawang panig.
Sa kasalukuyan mayroon anim na collector ng basura sa barangay ng Pogo Chico at gamit ang dalawang garong at isang dumptruck.
[image: Inline image 1]
Huli sa CCTV si Kagawad!
Facebook Comments