HULI SA CCTV: Tindero ng pares-mami hinoldap, binaril

12169
Screenshots from CCTV footage/Barangay 649, Baseco Compound

Kritikal ang lagay ng isang tindero ng pares matapos barilin ng holdaper sa Baseco Compound, Port Area, Manila, Martes ng madaling araw.

Pauwi na ang biktimang kinilalang si Samson Bautista, 41, kasama ang kanyang kaibigang si Pio Ramos sakay ng kanilang tricycle nang harangin ng armadong lalaki sa Barangay 649.


Sa CCTV footage mula sa barangay, makikita ang suspek na inaagaw ang slingbag na dala ni Bautista.

Itinaas ng holdaper ang baril bilang babala, ngunit tumanggi pa rin ang biktimang ibigay ang bag na naglalaman ng kinita sa buong araw.

Maya-maya ay pinaputukan na ng suspek sa ulo si Bautista at sumibat tangay ang slingbag.

Nagtamo ng tama sa leeg si Ramos na kritikal ang lagay sa ospital.

Pinaghahanap na ng pulisya ang hindi pa natutukoy na suspek.




Facebook Comments