HULI SA CHECKPOINT | Tatlo, arestado matapos mahulihan ng iligal na droga sa Caloocan

Caloocan City – Kalaboso ang tatlong lalaki makaraang mahulihan ng iligal na droga matapos na masita sa checkpoint dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Romel Raymundo, Arnel Cabrestante at Ardee Velasco pawang mga residente ng Brgy. 176 Bagong Silang.

Tinakasan ng mga suspek ang checkpoint na nagresulta ng habulan hanggang sa makorner sila kung saan nang kapkapan, dito nadiskubre ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na hinihinalang shabu.


Tood tanggi naman ang mga suspek na tulak sila ng iligal na droga pero aminadong gumagamit sila nito.

Facebook Comments