HULI | Sampu, arestado matapos salakayin ng QCPD ang shabu tiangge sa Barangay Bagong Silang

Manila, Philippines – Kalaboso ang sampung indibidwal matapos salakayin ng pulisya ang tinaguriang “shabu tiangge” sa Barangay Bagong Silang, Quezon City.

Nabatid na matagal nang nakatatanggap ng sumbong ang mga pulis hinggil sa ilegal na operasyon ng mga suspek.

Naabutan ng mga pulis sa operasyon ang walong lalaki na gumagamit ng shabu habang ang isa naman ay nahuling itinatapon pa ang ilang iligal na droga na hawak nito.


Narekober mula sa mga nahuli ang tinatayang 30 sachet ng shabu na nagkakahalagang P250,000.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang supplier ng droga ng mga ito.

Facebook Comments