HULI! | Seaman, arestado matapos madakip dahil sa ‘sextortion’

473

Arestado sa entrapment operation ng cybercrime division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang seaman matapos ireklamo ng kaniyang dating nobya.

Ayon sa biktimang taga-Cebu, apat na buwan niyang naging karelasyon ang suspek na si Bryan Canama pero nakipaghiwalay siya rito dahil sa pagiging seloso.

Pero matapos makipaghiwalay, ipinadala ng suspek ang kanilang sex video sa mga kaibigan, katrabaho at maging sa anak ng biktima.

Nagbanta rin aniya ang suspek na ikakalat ang iba pa nilang sex video kapag hindi nagpunta sa Maynila para makipagtalik sa kaniya bago siya bumiyahe pa-Amerika.

Giit naman ng suspek, nagawa lang niya ito dahil sa labis na pagmamahal sa biktima.

Payo naman ng NBI sa publiko, huwag ng ibi-video ang mga intimate moment dahil posibleng magamit ito laban sa kanila.

Facebook Comments