HULI | Sinasabing consignee ng P6.4-billion shabu shipment, naaresto ng NBI

Manila, Philippines – Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng EMT Trading na si Eirene Mae Tatad at sinasabing consignee ng P6.4-billion shabu shipment mula China.

Kinumpirma ng NBI na naaresto si Tatad kanina sa Iloilo at ililipad ito ngayong araw patungo sa NBI headquarters sa Maynila.

Kasama si Tatad sa mga ipina-aaresto ng Manila RTC Branch 46 kaugnay ng kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ).


Facebook Comments