Tanay, Rizal – Kalaboso ang isang Sangguniang Kabataan chairman matapos maaresto sa isinagawang buy -bust operation PNP Rizal Police Provincial Office sa Tanay, Rizal.
Kinilala ang nadakip na si Arvien Kenneth Aguirre, 22-anyos, nanalong SK chairman sa Barangay Mag-Ampon, Tanay, Rizal.
Nakuha sa suspek ang isang transparent sachet na naglalaman ng marijuana leaves at buy-bust money.
Inaalam na ngayon sa suspek kung sino ang source nito ng iligal na droga at kung mayroon pa itong kasabwat sa pagbebenta.
Facebook Comments