Manila, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Phil. Coast Guard ang tinatayang 120 Milyong pisong smuggled rice mula sa Zamboanga.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo nasabat ng joint elements ng Special Operations Unit, at Philippine Coast Guard K9, ang cargo vessel na may kargang humigit kumulang 60,000 undocumented sacks of rice na tinatayang market value of Php 120 sa 25 nautical miles Southwest off Olutanga, Zamboanga Sibuguey alas 9:30 ng umaga kahapon.
Paliwanag ni Balilo iniimbestigahan na ng PCG ang MV J-Phia, isang na may haba na 282 meters na nasabat na may kargang libo libong sako ng bigas na walang dokumento.
Base sa reports na natanggap mula sa Coast Guard district sa Southwestern Mindanao ang joint units na kinabibilangan ng Special Operations Unit, Coast Guard K9 Team lulan ng PCG vessels, DF-314 at ang multi-role response vessel, BRP Tubbataha (MRRV 4401) ay agad naalerto kung saan mula Cagayan De Oro pero walang maipakitang records ng kanyang departure.