Sampaloc, Maynila – Naaresto na ng pulisya ang suspek na nang-agaw ng tricycle at nangholdap ng isang gasolinahan sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang nadakip na si Gonzalo Bautista na sangkot din sa ilang insidente ng panghoholdap nitong nakaraang linggo.
Sa ulat, tinangay ng suspek ang tricycle ng isang 17-anyos na driver sa altura kung saan hinoldap din nito ang isang gasolinahan sa Ramon Magsaysay Street at tinangay ang P8,000 na kita.
Nasakote ang suspek matapos nitong tutukan ng baril ang chairman ng kanilang barangay na si Lourdes Lantican na kaniyang pinagbintangan na nagsumbong sa pulisya.
Facebook Comments