Cavite – Naaresto na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na responsable sa pagkawala ng isang TNVS driver noong Marso sa Cavite.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng PNP-CIDG ang bahay ng suspek na si Alvin Quimbo Romero.
Nakuha sa bahay ni Romero ang isang paltik na baril at isang granada na nauna nang nakita ng mga pulis na inilaglag sa bintana ng suspek.
Ayon kay sabi ni Police Superintendent Lawrence Cajipe, Regional Chief, CIDG – Region 4-A, isa si Romero sa mga may kinalaman sa pagkawala ng inupahan nilang TNVS driver na si Tito Candeder noong Marso.
Sabi ni Police Senior Inspector Neil Cruzada, Deputy Provincial Chief, CIDG – Cavite, ginagamit ng suspek sa kanilang mga raket ang sasakyan ng biktima na hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon.
Kwento ng suspek, inupahan nila ng P6,000 ang sasakyan para sa dalawang araw na gamit pero kinabuksan ay wala na ito.
Patuloy namang nanawagan ang pamilya ng biktima sa sinumang may impormasyon para malaman ang kinaroroonan ni Candeder.