HULI | Suspek sa pagnanakaw ng baril at ATM ng isang security guard sa Maynila, arestado

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos pagnakawan ng baril ang isang security guard sa Malate, Maynila.

Naaresto ang suspek na si Allan Bautista matapos makunan ng CCTV ang pagtangay nito sa baril ng biktimang si Percival Otic Jr. sa loob mismo ng pinagtatrabahuhan recruitment agency ng guwardiya sa kanto ng Dian at Zobel Roxas Street.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at natunton ang suspek habang nakatambay sa kanto ng Taal at San Andres Street suot pa ang sombrero at damit na kanyang ginamit sa pagnanakaw.


Inaresto rin ng mga pulis ang babaeng kasama ng suspek na si Cherry Sabale na nagsanla ng baril at ATM na natangay mula sa suspek.

Facebook Comments