Dagupan City – 1 mini bus, 2 rent a car vans, 1 motorsiklo at tinatayang 70 Temporary Operation Permits ang nasampolan ng Task Force Kamao. Ito ay alinsunod sa direktiba ni President Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr) noong Marso, isinulong ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT ang malawakang paghuli sa mga colorum vehicles.
Ang Task Force Kamao o ang Anti-Colorum Operations ay ikinasa ni President Duterte matapos makapagtala ng casualties sa isang bus crash noong Marso. Sa ilang pahayag, binigyang -diin ni Usec. Tim Orbos na para sa commuter safety ang pagpapatupad ng crackdown sa mga colorum vehicles.
Ayon sa Communications Head ng I-ACT, mainam na siguruhin ng mga bus operators/ drivers na mayroong kaukulang dokumento ang sasakyan na nagsasaad ng pagigung rehistrado nito. Mainam na rin na obserbahan ng publiko ang road-worthiness ng mga PUVs tulad ng mga body markings, gulong o headlights upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero nito. Ito ay isa rin sa mga programa ng I-ACT ang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’.
Ulat ni Geannie Victorio
HULI | Task Force Kamao, Umarangkada!
Facebook Comments