HULI! | Tatlong lalaking naglalaro ng tong-its, arestado sa Marikina City

Marikina City – Arestado ang tatlong kalalakihan kasama ang isang babae matapos mahuling naglalaro ng tong-its sa Barangay Tanong Marikina City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Reagan Aguilar, Jimmy Juano, Lyndon Lim at Rhoda Acampado na nahuli sa aktong naglalaro ng tong-its sa Road 1, Tuazon Ville, Manggahan Compound.

Narekober sa kanila ang isang set ng baraha at perang pantaya nila sa sugal.


Nabatid na nakuha pang magpalusot ni Acampado na nanonood lamang siya sa laro pero napag-alaman na kasali din siya sa paglalaro makaraang makuha sa bulsa nito ang ilang piraso ng baraha.

Facebook Comments