HULI | Top 2 most wanted sa Las Piñas, arestado

68

Manila, Philippines – Nasakote ng mga tauhan ng Las Piñas Police District ang top 2 most wanted sa kanilang lugar.

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspek na si Edgar Marasigan, 49 years old, makaraan ang isinagawang Anti-Criminality Law Enforcement Operations sa Sitio Pugad Lawin, Brgy. Almanza Dos, Las Piñas kahapon.

Si Marasigan ay may standing warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Lorna Domingo ng Las Piñas City RTC Branch 201 dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Walang piyansa ang inirekumenda ng korte kay Marasigan.

Sa ngayon itinurn over ang suspek sa warrant section para sa proper disposition.

Facebook Comments