Marikina – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang top 4 most wanted person sa Marikina City.
Si Adrian Arellano, 30-anyos, pintor, tubong Bicol at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Malanday, Marikina City ay may kinakaharap na kasong murder.
Ito ay makaraan niyang sasakin at patayin ang isang Jerome Licuanan noong Enero ng nakalipas na taon.
Ayon Marikina City Police, nang makuha ng mga operatiba ang number ng suspek, isang babaeng asset ang nakipag-textmate dito at noong nakapalagayan na sila ng loob nakipag-eyeball o nakipagkita ang babae sa Mindanao Avenue.
Doon na ikinasa ng mga otoridad ang kanilang operasyon na nauwi sa pagkakaaresto ni Arellano.
Inaresto ang suspek base na rin sa standing warrant of arrest nito at kasalukuyan ng nakaditine sa Marikina City Police Station.