Manila, Philippines – Dinala sa Department of Justice (DOJ) ang Tunisian na sinasabing kasapi ng ISIS na naaresto sa Ermita, Maynila noong Biyernes.
Si Fehmi Lassqoued alyas John Rasheed Lassoned ay isinailalim na sa inquest proceedings.
Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, ginawa kahapon ang inquest proceedings sa Philippine Army Headquarters
Iniharap ngayon sa DOJ si Lassqoued para sa kanyang waiver of detention.
Si Lassqoued at ang kasamahan nitong babae na si Anabel Moncera Salipada ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9516 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Naaresto ang dalawa sa tinutuluyan nitong apartment sa Adriatico Street sa Ermita noong Biyernes.
Nabawi sa kanila ng pulisya ang isang baril, mga bala at mga materyales sa paggawa ng bomba.