HULI! | Umano ay lider ng carnapping group na nasa likod ng rent sangla scam, arestado

Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa kanilang operasyon ang umanoy lider ng Carnapping Group na nasa likod ng Rent- Sangla Scam na nagooperate sa Metro Manila, Southern Luzon at Central Luzon.

Kinilala ang naarestong umanoy lider ng Carnapping group na si Rafaela Anunciacion, 57 anyos residente ng 20 Agoncillo Street, Phase 4. Pacita Complex 1. San Pedro. Laguna.

Inaresto ito dahil sa kasong swindling o estafa.


Sa ulat ng PNP HPG, alas -5:00 ng hapon kahapon nang isagawa ng PNP HPG Special Operation Division ang operasyon sa parking area ng isang mall sa San Pedro, Laguna.

Sa ngayon nasa kustodiya na ito ng PNP HPG.

Nananawagan naman ang pamunuan ng PNP HPG sa publiko na maging mas alerto upang hindi maging biktima ng mga karnaper o anupamang criminal groups.

Facebook Comments