HULI | UV express driver, arestado sa pagbebenta ng pekeng prangkisa

Manila, Philippines – Arestado ang isang UV express driver dahil sa pagbebenta ng pekeng prangkisa sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Anthony Breganza.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Intelligence Operation Unit Chief Insp. Rosalino Ibay, dumulog sa MPD ang mag-asawa na binebentahan ni Breganza ng prangkisa ng UV express na may biyaheng paliparan-Lawton sa halagang P80,000.


Nang beripikahin ang franchise number ay nadiskubreng hindi naman ito ipinagbibili ng may-ari ng unit.

Hinahanap na ng MPD-IOU ang mga binanggit na pangalan ng suspek na kakilala niya sa LTFRB at DOTr.

Patuloy rin ang follow-up operations sa hinala na may dati ng nabiktima ang suspek.

Facebook Comments