HULI | Wanted na British national, arestado ng Bureau of Immigration

Cebu, Philippines – Isang puganteng British national ang inaresto ng Bureau of Immigration sa Cebu City

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente , ang 24 anyos na si Calvin Jason Ainsworth ay wanted sa United Kingdom dahil sa large-scale fraud sa internet at money laundering.

Sa record ng BI, dumating sa bansa si Ainsworth noong September 2015 kasama ang kanyang kapatid na si Jared William


Sinabi ni Morente na kumikita ang magkapatid sa kanilang online operation habang nasa Pilipinas at may mga kasabwat itong nakabase sa UK.

Sinabi ni Immigration intelligence officer at FSU chief Bobby Raquepo, na sa pagtaya ng UK authorities, nakatangay ang magkapatid ng 400,000 pounds mula sa kanilang mga biktima

Nakakulong ngayon si Ainsworth sa detention facility ng BI sa Taguig habang inihahanda ang kanyang deportation.

Patuloy naman na pinaghahanap ng mga otoridad ang kapatid nito.

Facebook Comments