HULICAM | Babae, arestado dahil sa pagiging ‘racist’ nito

Brooklyn, New York – Nakunan ng video ang isang babae matapos atakehin at laitin ang isang kapwa pasahero sa subway.

Nagsimula ito nang hindi sinasadyang masagi ng 24-anyos na babaeng Asyano ang suspek na si Anna Lushchinskaya.

Dito na pinagmumura at nagpakawala pa ng ‘racist’ na banat ang babaeng taga-Brooklyn sa biktima.


Pinaghahampas pa ng suspek ang biktima ng bitbit nitong payong.

Pinipigilan naman ng ibang pasahero ang pangungutya at paghahampas ng suspek sa biktima na nagtamo ng sugat sa mukha.

Inaresto ang suspek at kinasuhan ng felony assault.

Facebook Comments