HULICAM | Binatilyo, sawi matapos paghahampasin ng kahoy

Caloocan City – Patay ang isang 14-anyos na lalaki matapos paghahampasin ng kahoy ng kapwa nito menor de edad sa Barangay 144, Caloocan City.

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar, naglalakad lang noon para bumili sa tindahan ang biktimang si alyas Dennis.

Lingid sa kaalam ng biktima, sinusundan na pala siya ng 15-anyos na suspek habang pinanonood lang sila ng mga tambay sa lugar.


Nang makakuha ng tiyempo, dito na sunod-sunod na hinampas ng suspek gamit ang kahoy ang ulo at katawan ng biktima.

Makikita rin sa CCTV na hinayaan lang ng mga tambay sa lugar na nakahandusay lang ang biktima sa kalye.

Dahil dito, pinag-aaralan na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa mga tambay sa lugar.

Patuloy namang pinaghahanap ang suspek na agad tumakas matapos mapatay ang biktima.

Facebook Comments