Quezon City – Pinaghahanap na ang driver ng isang pulang kotseng nakasagasa at nakapatay sa tumatawid na aso sa Barangay South Triangle sa Quezon City.
Sa CCTV footage, makikitang unang dumaan ang isang pitbull kasunod ang isang chihuahua na nagngangalang Calvin.
Dito na nasagasaan ang chihuahua ng pulang kotse na nagtuloy-tuloy lang sa pagtakbo.
Ayon sa nag-aalaga sa aso na si Debralyn Alejo, pinaubaya lang sa kaniya ng among nag-aaral sa Canada ang pag-aalaga kay Calvin.
Aniya, aksidenteng nakalabas ang mga aso sa kanilang gate.
Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), posibleng kasuhan batay sa Animal Welfare Act ang nakasagasa kahit na may resposibilidad si Alejo sa nangyari.
Tinutulungan ngayon ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang paghahanap sa salarin na nakasagasa.