HULICAM | Driver ng isang PBA player, arestado sa pagnanakaw sa QC

Quezon City – Arestado ang driver ng PBA player na si Douglas Kramer kabilang ang kasama nito matapos mangholdap sa isang bahay sa Barangay Veterans Village, Project-7 sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Eddie Valliente, nagmamaneho ng taxi na pagmamay-ari ni Kramer at kasabwat nitong si Ronald Calderon.

Sa ulat, pinasok ng mga suspek ang isang bahay kung saan nang makita nila na parehong mga babae ang nasa loob ay dito na sila nagdeklara ng holdap.


Nilimas ng mga suspek ang pera alahas at cellphone ng mga biktima pero sa kanilang pagtakas ay nahagip ng CCTV camera ang taxi na may plakang WQL-392 na ginamit nilang getaway vehicle.

Natuklasan naman na nakapangalan ito sa PBA player na si Kramer na agad namang nakipagtulungan sa mga pulis para mahuli ang driver sa bahay nito sa Bagong Ilog Pasig.

Napag-alaman pa na may mga kaso na ng pagnanakaw si Valiente sa Valenzuela City kung saan aminado ito sa kanilang ginawa habang hinahanap pa ang kasama nito.

Facebook Comments