HULICAM: Rider, tumilapon sa ere matapos mag-counterflow at mabangga ng kotse

BABALA: SENSITIBONG LARAWAN

Nasawi ang isang rider ng motorsiklo matapos tumilapon sa ere nang mabangga ng isang SUV sa Barangay Laguitas, Malaybalay City, sa probinsya ng Bukidnon.

Ang malagim na aksidente, nakunan ng dashcam ng sasakyan ng isang Edmund Clement.

Sa dashcam footage, makikitang tinatahak ng rider ang national highway sa naturang bayan noong Oktubre 5.


Ilang sandali pa, biglang nag-counter ang lalaking lulan ng motorsiklo kung saan nasalpok siya ng paparating na kotse.

Sumirko sa ere ang rider at motorsiklo at saka tuluyang bumagsak sa semento.

BABALA: SENSITIBO ANG DALAWANG RETRATO SA ITAAS

Tumanggi naman magpaunlak ng panayam ang pamilyang naulila ng rider.

Batay sa pagsisiyasat ng Malaybalay City Police Station, nangyari ang aksidente pasado alas-3 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring head-on collision.

Facebook Comments