HULICAM: Snatcher, bugbog-sarado sa taumbayan matapos mambiktima ng estudyante

Courtesy Sofia Blancaflor

ANTIPOLO CITY – Bugbog-sarado sa taumbayan ang isang snatcher na nambiktima ng menor de edad sa Marcos Hi-way nitong Lunes ng umaga.

Kita sa video ni Sofia Blancaflor na duguan at wasak ang bibig ng magnanakaw habang pinapalibutan ng mga tao.

Kuwento ng uploader, nakasakay siya sa motorsiklo nang makasalubong ang kawatan na tinutugis ng publiko at sinabihan siyang harangan ito.


Nakita raw mismo ng mga sibilyan na tinangay ng suspek ang bag at cellphone ng isang estudyanteng nag-aabang ng masasakyan.

Kinuyog ng mga tao ang magnanakaw matapos makorner sa isang overpass.

Agad naisauli sa mag-aaral ang mga nahablot na gamit.

Ayon sa suspek, nagawa niyang mang-snatch dahil sa matinding pangangailangan ng pera lalo na at bagong panganak ang misis niya.

Nasa kostudiya ngayon ng Antipolo police ang magnanakaw.

Facebook Comments