Huling 2 Barangay sa Angadanan, Isabela, Idineklara nang Drug Cleared!

Cauayan City, Isabela- Idineklara na ng PDEA Region 02 bilang drug cleared ang dalawang natitirang barangay sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Personal na iniabot kay Mayor Joelle Mathea Panganiban ng Angadanan, Isabela ang sertipikasyon ng dalawang barangay na kinabibilangan ng Bunnay at San Vicente.

Ayon kay Mayor Panganiban, posibleng sa mga susunod na araw ay idedeklara na bilang drug cleared municipality ang Angadanan na binubo ng 59 na mga barangay.


Dagdag dito, nagtapos na rin sa Community Based Rehabilitation Wellness Program o CBRWP ang mahigit 200 na tokhang responders ng Angadanan.

Nabigyan na rin ang mga ito ng livelihood assistance para sa kanilang pagbabagong buhay upang tuluyan nang hindi bumalik sa masamang bisyo o pagbebenta at paggamit ng iligal na droga.

Facebook Comments