HULING ARAW | DOJ, binigyan nang hanggang June 18 si Sister Patricia Fox para lisanin ang Pilipinas

Manila, Philippines – Binigyan na lamang ni Justice Secretary Menardo Guevarra nang hanggang June 18 ang Australian Missionary na si Sister Patricia fox upang lisanin ang Pilipinas taliwas sa unang kautusan ng Bureau of Immigration’s (BI) na dapat na itong umalis ng bansa kahapon Biyernes, Mayo 25.

Sa inilabas na utos ni Guevarra, sinabi nito na ang 30-day period na taning ng BI kay Fox para umalis ng bansa ay nahinto dahil sa pagsumite ng madre ng Motion for Reconsideration (MR).

Unang nagtungo si Fox sa DOJ kahapon upang hilingin na baliktarin ang desisyon ng BI na kanselahin ang kanyang Missionary Visa at naging temporary visitor’s visa na lamang ito.


Nais kasi ng madre na maibalik ang kanyang missionary visa at manatili sa bansa bilang isang misyonaryo.

Nagbigay din ng sampung araw si Guevarra sa BI upang magkomento hinggil sa naging apela ni Fox at maiakyat ang lahat ng mga records ng naturang kaso sa DOJ.
May limang araw naman si Fox para magbigay ng kanyang komento hinggil sa naging pahayag ng Immigration.

Facebook Comments