Manila, Philippines – Huling araw na ngayon ng mandatory training ng may 335,600 bagong opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na ipinatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) at National Youth Commission .
Nagsimula ang pagsasanay ng mga SK officials noong Mayo 17 at mula sa 41,940 barangays sa buong bansa.
Ayon kay DILG Acting Secretary Eduardo Año, dahil sa Mandatory Training lahat ng SK officials ay nagkaroon na ng sapat na kaalaman na maaari nilang gamitin sa kanilang panunungkulan sa barangay.
Dahil dito,umaasa ang DILG na makabuo ng mga bagong lahi ng matino, mahusay, at maaasahang SK officials na posibleng maging isang lider ng bansa sa hinaharap.
Alinsunod sa Republic Act 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, ang elected o appointed SK official ay hindi pinapayagang makapanungkulan hangga’t hindi sumailalim sa mandatory training.
Saklaw ng training ang modules on decentralization at local governance, SK history at salient features, kasama din dito kung papano mag patawag ng mga pulong at pagbuo ng mga resolutions, pagpaplano at pagba-budget at ang tamang pag uugali at etikal na pamantayan ng isang public official.