Dinagsa ng publiko ang huling araw ng community pantry ng Letran College of Manila sa Intramuros, Maynila.
Kabilang sa mga nagtungo rito ay mga residente sa loob at labas ng Intramuros gayundin ang mga taga-Brgy. 654, Zone-69.
Kabilang sa mga ipinamigay ay bigas, delata, noodles, gulay, kape, at tubig na kanilang sinimulan ng alas-8:00 ng umaga, at matapos ang halos isang oras ay agad itong natapos.
Ayon sa ilang mga coordinator, sinimulan nila ang community pantry noong April 20, 2021 kung saan napagdesisyunan nila na ito na ang huling araw dahil paubos na ang kanila suplay.
Bukod dito, hindi na rin sapat ang mga donasyon na kanilang natatanggap para ipamahagi sa mga kapus-palad na residente.
Nabatid na ang mga donasyon na kanilang natatanggap ay mula sa mga alumni, empleyado, estudyante at mga taga-suporta ng Letran.
Para naman masiguro na masusunod ang health protocols kontra COVID-19, nakipag-tulungan ang Letran sa mga opisyal at tanod ng Brgy. 654, zone-69 sa pangunguna ni Chairman Salvador Fuentes.