Cauayan City, Isabela- Dagsaan ang mga kandidato ngayong huling araw ng pagpapasa ng Certificate of Candidacy sa tanggapan ng COMELEC sa lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Election Officer Efigenia Marquez, ang kabuuang bilang ng mga nagpasa sa barangay position mula kahapon ay nasa isang libo at limamput lima habang sa SK candidates naman ay nasa kabuuang bilang na apat na raan at tatlumpot dalawang kandidatong Kabataan.
Aniya, wala pa umanong nadisqualified sa mga nagpasa ng COC subalit mayroon lamang umano silang nadiskubreng over aged na lumagpas sa edad na bente kwatro sa posisyong SK.
Ayon pa kay Election Officer Marquez, dalawang beses na pwedeng bumoto ang mga kabataan ngayon at mabibigyan sila ng dalawang uri ng balota para sa barangay at SK na posisyon.
Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na dalawang beses boboto ang mga kabataang may edad na labing walo hanggang tatlumpong taong gulang.
Wala din umanong naitalang insidente sa lungsod mula noong nag-umpisa ang filing of Candidacy ng mga tatakbong kandidato.
Mensahe pa ni ginang Marquez ang mga botante ng lungsod ng Cauayan na bisitahin na ang kanilang tanggapan upang Makita ang presinto kung saan boboto.