Huling Araw ng Filing of COC sa Cauayan City Isabela, Naging Maayos!

Cauayan City, Isabela – Maayos na natapos kahapon ang filing ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato para sa darating na May 13, 2019 election.

Umabot hanggang pasado alas sais na kagabi ang mga nagpahabol sa filing kung saan ay nasa tatlumput pitong kandidato ang naitala sa tanggapan ng COMELEC na nakapaghain ng COC.

Dalawa ang tatakbo sa posisyong pagkamayor at ito ay si incumbent mayor Bernard Dy at Norma Valcoz, habang apat naman sa posisyong pagkabisemayor na ito ay sina incumbent vice mayor Leoncio “bong” Dalin, Diosdado Ramirez, Angelito Barrettos, at Rodrigo Cabantac.


Aminado si COMELEC officer Efigenia Marquez na marami umano sa ngayon ang nakapagfile ng COC sa posisyong sangguniang panlungsod na umaabot sa mahigit tatlumpong kandidato.

Aniya, nasa apat na grupo ang nakapaghain ng COC habang may Ilan namang nagfile ng independent candidate kung saan marami umanong pagpipilian ang mga Cauayeno ngunit kailangan aniya na maging matalino at wais sa pagpili kung sino ang karapat dapat na mamuno dito sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments