Huling araw ng Filing of COC sa COMELEC Cauayan City, Dinagsa!

311

*Cauayan City, Isabela- *Dinagsa ng mga kakandidato ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ng Cauayan City para sa huling araw ng Filing of Certificate of Candidacy (COC).

Sa inisyal na nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, Nakapag-file na ng kandidatura ang partido ni incumbent City Mayor Bernard Dy na tatakbo parin sa posisyong Mayor, Leoncio Bong Dalin para sa bise-mayor, habang sa posisyong Sangguniang Panlungsod naman ay sina Danilo Asirit, Cynthia Uy Balayan, Edgardo Atienza, Garry Galutera, Edgar De Luna, Telesforo Malillin, Bagnos Maximo Jr. Rufino Arcega, Rene Uy at Paul Vincent Mauricio.


Habang ang makakatunggali naman ng partido ni Bernard Dy ay ang partido ni Norma Dy Valcos para sa posisyong Mayor, Diosdado Ramirez para sa bise-mayor at Morales Severino, Ernesto Bala, Carlos Palma, Carlos Chan, Mariano Arnulfo, Pilar Garcia, Lelina Orlyn, Nuez Myron Sr, Ronald Ramirez at Joselito Yap para sa Sangguniang Panlungsod.

Samantala, sa Independent Party naman ay nagfile ng kandidatura para sa posisyong Sangguniang Panlungsod sina Jay-jay Talavera, Gabriel Talavera at si Felix Ancheta Galapon.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ang pag-fafile ng COC ng ilang kandidato para sa halalan 2019.

Facebook Comments

From Advertisers