Huling araw ng voters registration, ipinaalala ng Comelec

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magtatapos na ang voters’ registration.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – hanggang ngayong araw lamang pwedeng magparehistro para makaboto.

Pero sinabi ng poll official – sakaling may mga nakalista at pumipila pagsapit ng alas-3:00 ng hapon ay handa pa rin nilang tanggapin ang registration ng mga ito.


Matatandaang noong unang araw pa ng Agosto sinimulan ng Comelec ito.

Facebook Comments