HULING ARAW | Public viewing ng Balangiga bells, hanggang ngayong araw na lamang

Magtatagal na lamang hanggang ngayong araw ang public viewing ng Balangiga bells sa Philippine Air Force (PAF) Aerospace Museum sa Villamor Airbase, Pasay City.

Sa abiso ng Department of National Defense (DND), ang public viewing ay isasagawa mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ang entrance ng PAF Museum ay sa gate 4.


Pinapayuhan din ng DND ang mga bibisita na alamin ang dress code kung saan ipinagbabawal ang pagsusuot ng sando at tsinelas at iwasan ang paghawak sa display, paggamit ng flash photography, pag-video, pagdadala ng pagkain at inumin sa loob ng museo.

Kapag banyaga naman ay kinakailangang magprisinta ng I.D. o kanilang pasaporte.

Matatandaang ibinalik ng Estados Unidos sa Pilipinas ang tatlong kampana matapos ang higit isang siglo.

Facebook Comments