HULING ARAW | Relics ni St. Therese, hanggang bukas nalang mapupuntahan ng mga deboto sa Pasay City

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Saint Therese of the Child Jesus sa Pasay City na hanggang bukas nalang maaaring bisitahin at makahalik ang mga deboto at Katoliko dahil dadalhin na ito sa Ilocos Norte.

Matatandaan na ito na ang ika-4 na pagkakataon na bumalik sa bansa ang Relics o buto ni Saint Therese of the Child Jesus.sa bansa.

Simula noong Biyernes hanggang bukas January 15 ay mapupuntahan ang buto o Relics sa Shrine of Saint Therese of the Child Jesus sa Pasay City bago ililipat naman sa Diocese of Laoag sa Ilocos Norte.


Sinasabi na ang Relics ni Saint Therese of the Child Jesus ay nagmimilagro at marami na ang mga kilalang tao na mayroong mga karamdaman ang nagpapatotoo ng milagro.

Kabilang sa mga nagpatunay ng milagrong natanggap nila sa tulong ng pagdarasal sa relics ay si dating AFP Gen Eduardo Año na ang may bahay ay na-diagnose sa sakit na Colon Cancer pero dahil sa paniniwala at debosyon sa naturang Relics ay gumaling ang karamdaman ng kanyang maybahay.

Una nang ipinagbunyi ang Pilgrimage ni Saint Therese of Child Jesus sa bansa noong taong 2000, 2008 at 2013.

Facebook Comments