Huling bahagi ng Duterte Legacy Summit, idaraos ngayong araw

Aarangkada ngayong araw ang ikalawang bahagi ng Duterte Legacy Summit.

Tampok ngayon ang mga nagawa ng ilang ahensya ng pamahalaan sa nakalipas na anim na taon.

Kabilang sa mga magpepresinta ngayong araw ng kanilang accomplishments sina Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, Commission on Higher Education (CHEd) Sec. Prospero De Vera, Department of Labor ang Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, Education Sec. Leonor Briones, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Sec. Isidro Lapeña, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) DG Wilkins Villanueva at CabSec. Melvin Matibag.


Samantala, kahapon nagkaroon ng 1st full cabinet meeting makaraan ang 2 taong COVID-19 pandemic.

Inaasahang, babanggitin ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Group (PCOO) Sec. Martin Andanar ang ilang mahahalagang bagay na napag-usapan sa naturang cabinet meeting sa presscon mamayang alas-12:00 ng tanghali.

Facebook Comments