Huling bangkay na nawawala sa Basilan ferry fire, na-retrieve na ng PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang bangkay na narekober sa karagatan ng Hadji Mohammad Adju sa Basilan ay ang huling nawawalang pasahero ng natupok ng apoy na MV Lady Mary Joy.

Sa inilabas na update, kinilala ng PCG ang narekober na bangkay na si Private First-Class Marion Malda, isa sa mga sundalo ng Philippine Army na sakay ng barko.

Ang MV Lady Mary Joy 3 ay patungo sa Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City noong Marso 29 nang masunog ito dakong alas-10:40 ng gabi.


Idineklarang fire out ang naganap na sunog alas-7:30 ng umaga noong Marso 30.

Upang mailigtas ang mga pasahero, dinala ng kapitan ang barko sa Baluk-Baluk Island sa bayan ng Hadji Muhtamad.

Nauna nang sinabi ni Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng bayan ng Hadji Muhamad na ang hindi tumpak na manifest ay nagpapahirap sa mga awtoridad na magsagawa ng search, rescue, at retrieval operations sa barko.

Nauna nang sinabi ng PCG na nagsimula umano ang sunog sa accommodation area sa ikalawang deck ng barko.

Facebook Comments