Magsisimula nang magtrabaho ang huling batch ng benepisyaryo ng Government Internship Program sa lungsod ng Dagupan.
Ang huling batch ay binubuo ng limampu’t limang kabataan ng Dagupan na sasabak sa pagtatrabaho sa gobyerno bukas, ika-30 ng Setyembre.
Hinimok naman ng Alkalde ng lungsod ang mga benepisyaryo na pagbutihin ang kanilang trabaho at huwag tumigil na matuto.
Sa kabuuan nasa 211 na indibidwal ang GIP Beneficiaries ng lungsod at tinatayang aabot sa mahigit 4. 7 milyon ang inilaang pondo ng lokal na pamahalaan para sa mga ito.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang nga benepisyaryo ay nagtatrabaho ng tatlong buwan at sasahod ng 340 pesos kada araw.
Facebook Comments