Naka-alis na sa bansa ang huling batch ng mga turistang Chinese na bibisita sana sa Boracay.
Ito ay sa gitna na rin ng pagkalat ng novel coronavirus.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio – nasa 150 pasahero na pawang mga Chinese ang pinauwi mula sa Kalibo International Airport.
Sakay ang mga dayuhan sa Royal Air – isa sa dalawang airlines na mayroong direktang flights mula Kalibo patungong Wuhan, China.
Sa kabuoan, ay aabot sa 634 na turista ang pinabalik sa Wuhan na hinati sa apat na batch simula noong Huwebes (January 23).
Facebook Comments