Deneposito na ng Commission on Elections (COMELEC) ang huling batch ng source code na gagamitin sa May 13 automated midterm election sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pag-iingat.
Gagamitin ang nasabing source code para sa consolidation and canvassing system para sa mga bagong biling laptops at printers, sa transmission routers ng Smartmatic at Domain Name Server (DNS) upang mapabilis ang resulta ng eleksyon.
Nakalagay ang mga source code sa magkakahiwalay na envelops na nasa loob ng isang silyado at naka-lock na kahon na may nakadikit na COMELEC paper seal na pirmado ni COMELEC Excutive Director Jose Tolentino at ipinasok sa silyadong vault ng BSP.
Ayon sa Republic Act 9369, na ang lahat ng mga codes, source codes ay dapat i-deposit sa pangangalaga ng BSP.