Huling Hirit Ng Partido Liberal Sa Sorsogon City Dinumog

19

SORSOGON-Punum puno ang Plaza Bonifacio Sorsogon City sa huling hirit ng Liberal Party dito sa lalawigan ng sorsogon sa kanilang isinagawang Grand Political Rally Kagabi.Pinasimulan ang huling araw ng kanilang kampanya sa pamamagitan ng motorcade na nag umpisa sa Sorsogon City Rompeolas mga dakong ala syete y medya ng umaga kung saan pinangunahan ito ng standard bearer na tumatakbo bilang gobernador ng lalawigan na si Robert “Bobet Lee” Rodrigueza kasama ang iba pang kandidato ng partido liberal.Dinaluhan naman ng humigit kumulang Isang libong motor cycle riders at iba pang mga taga suporta ng partido. Hindi naman magkamayaw sa pagsigaw ang mga sumusuporta sa partido sa bawat madaanan ng parada.Samantala, sa kanilang Grand Political Rally, presente ang lahat ng kanilang kandidato sa bawat posisyon.

Facebook Comments